|
The Calling [HOME] [MY PROFILE] [MY BLOG] [MY ANIME] Archives
06/13/2004 - 06/20/2004
11/28/2004 - 12/05/2004
12/05/2004 - 12/12/2004
12/12/2004 - 12/19/2004
12/19/2004 - 12/26/2004
01/09/2005 - 01/16/2005
01/16/2005 - 01/23/2005
01/23/2005 - 01/30/2005
01/30/2005 - 02/06/2005
02/06/2005 - 02/13/2005
02/13/2005 - 02/20/2005
03/27/2005 - 04/03/2005
04/03/2005 - 04/10/2005
04/10/2005 - 04/17/2005
04/17/2005 - 04/24/2005
06/12/2005 - 06/19/2005
07/17/2005 - 07/24/2005
10/02/2005 - 10/09/2005
06/18/2006 - 06/25/2006
06/25/2006 - 07/02/2006
07/02/2006 - 07/09/2006
Tag Me Online callers ![]() My Journey Journey through life With every twist and turn I laugh and cry as the road unwinds... This is my journey, And I've learn to fight To make me strong enough To lift me up To make my dreams alive... Music Video Our Lives Things Will Go My Way Anything Stigmatized Adrienne Wherever You Will Go Could It Be Any Harder For You My Anime We existed from all eternity and behold we are here and we shall exist till the end of time for our being has no end. My Callers Pinkysteph Ace Ann Audrey Ava Ayen Bubba Bulalakaw Cilinafaith Cybill Daisy Fickle Fllnng Freyti Godz Hillary Hussle8 Ian Janet Jaja Jinn Ken Kisses Kulokoy Lagsh Lei Lucy Lushy Lyn Maria Maroux Maureen Meann Mulan Paul pSyLeNtSpYdEr Ralph Resty Rose Roseanne Ruby Sam Shari Shinjita Tagabukid Tintin Toxictart Vixen XXX Yeye Yhell Yshie Zhang My Favorites The Calling Avril Lavigne Backstreet Boys Evanesence Third Eye Blind Linkin Park Westlife Simple Plan Steps The Corrs MLTR Gin Blossoms Chicago Creed Hanson Air Supply REFLECTION We sow our thoughts, and we reap our actions. We sow our actions, and we reap our habits. We sow our habits, and we reap our character. We sow our character, and we reap our destiny. Credits biscoe.co.uk |
|
||
|---|---|---|---|
|
|||
Pasensiya na anak kung nabuo ka ng di pinaghandaanPasensiya ka na kung nung bata ka'y di ko maibigay ang iyong pangangailangan Pasensiya na kung noon ika'y nadamay sa hirap ng aming buhay Pasensiya na kung napagbuhatan kita noon ng aking kamay Pasensiya na kung noon ika'y nadadamay sa away namin ng iyong inay Pasensiya na kung ako'y naging pabayang ama. Mahal na mahal ka namin anak...Gagawin ko ang lahat Makabawi lamang sa aking mga pagkukulang Magandang edukasyon, magandang kinabukasan at marangyang buhay Lahat aking ibibigay para sa inyo lamang. Pasensiya na sa aking mga pagkukulang noon... | "The Calling" dream at 12:59 AM on Friday, July 07, 2006 Hello po sa lahat! Ito po ang mga anakis namin. Ang panganay po namin ay si Mark Stephen. Ipinanaganak noong September 1, 1997 sa Manaoag Pangasinan. Mabait, tahimik, mahiyain, guwapo at matalinong bata. Mana sa ama siyempre. Huwag lang sanang magmana na mabilis sa chicks. Hehehe. Mama's boy po yan, as in sobra sa pagkamama's boy. Tapos spoiled po sa lahat ng bagay. Kasi nga naman unang apo sa tuhod, unang apo sa side ng misis ko at unang apo sa side ko. Oh di ba, paanong di magiging spoiled di ba. Masasabi kong matalino siya dahil marunong siyang sumagot sa lahat ng bagay, lalong lalo na pagdating sa math at science. Dun lang siguro nagmana ang panganay namin sa misis ko sa pagiging magaling sa math at pagiging mahiyain, pero sa science, kaguwapohan, kilos at porma siyempre kuha lahat sa akin. Sa ngayon po ay 8 years old siya at nasa grade 4 na. Accelerated po siya ng isang taon. Heto naman po ang bunso namin. Ipinanganak noong August 29, 2000. Millenium baby po siya kung tutuusin. Usapan kasi namin na misis na gumawa ng millenium baby. Hehehe (joke lang po). Nataon lang. Naku, baka magtaka kayo, kung yung isa ay mama's boy heto naman ay papa's boy. Ewan ko ba ganun lang talaga siguro pag ang anak ay lalake, malapit sa nanay at ang babae naman ay malapit sa tatay. Siyempre matalino, malambing, mabait at magandang bata. Mana parin sa akin at hindi sa nanay. Kung nagmana man kay misis ay siguro sa pagiging malambing at selosa niya. Madaldal at laging nakatingin sa salamin dahil masyadong beauty conscious. Bata palang yan ha. Mahilig sa barbie gadgets at sa totoo lang mula ulo hanggang paa ay meron siyang barbie na gamit. Tapos sa loob ng kwarto ay punong puno ng barbie toys. Nakakasakit ng ulo sa pagliligpit kapag nasa pinas ako at naglaro na yan ng mga dolls niyang barbie dahil sa dobrang dami. Sa ngayon po ay 5 years old siya at kinder na.Sorry mah ha. Sa akin nagmana mga anak mo eh. Katawan na katawan palang at hugis ng mukha ay sa akin na. Kawawa ka naman. Natutuwa lang ako kapag magkakasama kami sa mall dahil hindi napagkakamalang mga anak namin kundi parang mga kapatid lang. Kaya naiisip namin lagi ng misis ko may advantage din na mag-asawa ka ng maaga dahil kapag nagtapos na sila ay malakas pa kami at kumikita pa. Yun nga lang sa umpisa ay mahirap dahil wala pa kaming trabaho ni misis nung ipanganak silang dalawa. Kayo na lang po humusga kung sino ang kamukha nila. | "The Calling" dream at 9:09 AM on Tuesday, June 27, 2006 Pang gabi ako ngayon sa work. Nakakatamad bumangon sa totoo lang. Pag di ka naman kumilos mas masakit lalo ang katawan mo. Anyway, I just want to say hi sa mga nagtag at bumisita sa site ko. Nakakapagod na ring magtrabaho sa totoo lang. Sana nga ang buhay ay yung pagkagising mo ay nandiyan na lahat. Hindi na kailangang magtrabaho pa. Yung paggising mo ay may pera na sa harap mo at di ka na kailangang mamroblema pa. Sana lahat ay libre. Yung parang sa napanood namin ng panganay ko sa "Doraemon" na napunta siya sa ibang dimensiyon ng mundo kung saan sila ang namromroblema kung saan nila dadalhin ang pera nila. Hahaha. Buhay nga naman kung anong napag-iisip. Pero sa totoo lang, iba parin ang feeling ng pinaghihirapan mo kesa yung hinihingi lang. Sabi nga ng misis ko, mas masuwerte parin tayo kesa sa ibang tao dahil yung iba nga halos namromroblema sa pang araw araw na ikabubuhay nila. Sana wala na lang mahirap no. Buhay nga naman talaga. | "The Calling" dream at 10:25 AM on Sunday, June 25, 2006 Dumating po ako dito sa Dubai as a visit visa ng kumpare ko at dito na rin ako nakapaghanap ng work hanggang sa ma-hire ako bilang "barista". After a year napromote po akong "Shift Supervisor". Matagal na rin po ako dito sa Dubai at halos dalawang taon na rin. Last year, di ko akalain na may tatawag sa akin at nagulat na lang ako na yung kumare ko pala ay nandito rin at dito rin sa Dubai nagwowork at nasabi niya sa akin na magkasama sila ng kumpare ko. Akala ko nagbibiro lang siya pero nung makita ko nga yung number ay number ng Dubai ang gamit niya. Masuwerte rin ang kumare ko dahil malaking company ang napasukan niya "American Hospital". Isa sa mga magandang hospital dito sa Dubai. Yung kumpare ko naman ay sa Jebel Ali nagwowork as a physical therapy parin. Minsan lumalabas kami para magkita kita at kakain sa labas kapag walang magawa. Minsan naman nadadalaw sila sa store. Kahapon tumawag sa akin si Ricky (kumpare ko) at sabi niya nandito daw si Lyn Rose. Sabi ko naman, sinong Lyn Rose? Eh hindi ko maalala. Maski anong describe ang gawin niya hindi ko talaga siya maalala. Tapos kanina lang dumaan si Sarina (kumare ko) sa store ng umaga kasama ang katrabaho niya at sabing dadaan daw mamayang hapon si Lyn Rose dito. Tapos sabi ko, hindi ko talaga siya maalala. Bandang mga 4:30 pm nagulat na lang ako at nasa harapan ko na siya at doon ko lang talaga siya naalala nung makita ko siya ng personal. Hay naku hindi ko talaga maexpress ang feeling dahil sa dami ng lugar na puwede kaming magkitakita ay dito pa sa Dubai kung saan ay hindi talaga namin expected. Si Lyn Rose ay nagwo-work po sa Gulf Air at nataon na nagbakasyon ng 1 week lang sa Dubai. Biruin niyo bang halos hanapin niya lahat ng mga kakilala niya dito sa Dubai para lang may sumama sa kanya sa pagshoshopping niya. Anliit talaga ang mundo. Baka nga magulat na lang ako pagdating ng araw lahat na ng mga kaklase ko dito na kami magkitakita. Hahaha. Sorry Mah ha. Nasira tuloy ang schedule ko dahil sa unexpected na event. Di tuloy kita nachikka ng maaga pagdating ko ng bahay. Huwag tayo mag-away ha. Peace tayo. | "The Calling" dream at 9:20 PM on Friday, June 23, 2006 AM Shift... 1. Gising ng 5:10 am. 2. Chikka si misis bago magluto ng almusal. 3. Luto ng almusal hanggang 5:20 am. 4. Maliligo ng 5:35 am. 5. Mamamalantsa ng uniform ng 5:45 am. 6. Magbibihis at mag-aayos ng sarili. 7. Kakain ng almusal ng 5:50 am. 8. Pagkatapos kumain, maghuhugas ng pinagkainan at magto-toothbrush. 9. Chichikka si misis bago pumasok at magpapaalam. 10. Eksaktong 6:10 am ay papasok at mag-aabang ng bus. 11. 6:45 am nasa trabaho na ko. 12. Alarm ko uli ang cel ng 7:48 am tapos magpapahinga ako sa couch sa may labas ng store namin. 13. 7:50 am, start na ng work namin gang 5:10 pm. 14. Mga 7:00 pm or 7:30 pm nasa bahay na ko. 15. Tapos bihis, luto ng ulam at magpapahinga ng mga 9:00 pm. PM Shift... 1. Gising ako ng 9:00 am. 2. Chikka si misis. 3. Luto ng tanghalian habang nanonood ng palabas. 4. Mamamalantsa ng uniform ng 10:30 am. 5. Maliligo ng 11:00 am. 6. Magbibihis at mag-aayos ng sarili hanggang 11:30 am. 7. Kakain ng tanghalian hanggang 12:00 pm. 8. Chichikka si misis at magpapaalam bago pumasok. 9. Eksaktong 12:20pm, papasok sa trabaho at mag-aabang ng bus. 10. Mga 1:30 pm o kaya 1:45pm ay nasa trabaho na ko. 11. Magmumuni-muni sa labas ng starbucks bago pumasok. 12. 2:20 pm hanggang 11:30 pm (working hours). 13. Oooppps... Siyempre, i check mabuti ang closing ng mga staff bago isara ang store dahil baka may nakalimutan at siyempre dapat sigurado sa lahat baka may nakalimutang gawin lalong lalo na mga important documents. 14. Mga 12:20 am o 12:30 am ay nasa bahay na ko. 15. Magbibihis, kakain ng konti at mag-aayos ng sarili sabay pahinga. Ganyan po ang pang-araw araw na schedule ko sa lahat ng araw na ginawa ng Diyos. Ooopppsss... tuwing Tuesday po ang off ko at yun ang araw na magkachat kami ng misis ko. Hehehehe... | "The Calling" dream at 8:07 PM on Wednesday, June 21, 2006 Here I am again I've come to see you smile I know you understand I have to say again It's only for awhile And still you're always here Just waiting for my call I wish I knew a Way To give more than I do I want to give it all [Refrain:] Well It doesn't happen every day But it happened to me once before Those early years I threw away Now I only have to hear your voice To make me feel so sure That your love is why I want to give it all Don't the minutes fly And hours just seem so few With days apart so long It's hard to spend my time When I'm so far from you And still you're always there Just waiting for my call I wish I knew a way To give more than I do I want to give it all [Repeat Refrain] That your love is why I want to give it all | "The Calling" dream at 10:32 PM on Sunday, October 02, 2005 Hay naku!!! ibang klase pala kapag malapit ka ng umuwi, parang mas lalong bumabagal yung araw habang inaantay mo yung petsa. Pauwi na ako ng August 3 at hanggang ngayon hindi ko pa alam ang mga dadalhin ko. Nakabili na ko ng relos ng panganay ko at kuwintas at hikaw naman sa bunso ko. Kay misis naman ay sapatos na skechers. Ang hirap pala kapag pauwi ka na. Hindi mo alam kung ano ang mga ipapasalubong. Mahirap din dahil wala man lang akong naipon, ang hirap kasi kapag parehas na nag-aaral ang mga bata. Masyado ng mataas ang tuition nila. Buti sana kung sa public lang kaso hindi. Sa totoo lang kasi mahirap tipirin ang mga bata lalo na sa pag-aaral kaya dapat habang bata pa sila ay pag-aralin na sa maganda para paglaki ay hindi sila nahuhuli. Ilang araw pa ba ang aantayin ko? Hay naku, pati mga anak ko ay nagbibilang din ng araw sabi ni misis kung ilang araw pa daw ang aantayin nila para makauwi na ako. 13 DAYS na lang at malapit na po akong umuwi. Ansarap ng pakiramdam. Ito po ang una kong uwi sa Pinas. Tag-ulan pa naman ngayon at nakakamiss talaga dahil hindi umuulan itong bansang napuntahan ko. Hay naku, nasasabik na po talaga ako. | "The Calling" dream at 1:57 PM on Friday, July 22, 2005 Wala na kong ibang bukambibig simula nung pagtongtong ng June kundi ang pag-uwi ko ng Pinas. Gustong gusto ko ng umuwi isa't kalahating buwan na lang. Balita ko pa naman ay tag-ulan na diyan sa atin kaya nagpaschedule ako ng August ang uwi ko dahil yun ang namimiss ko sa Pinas palibhasa kasi walang ulan dito. Miss ko na talaga ang Pinas. Miss ko na rin ang pamilya ko. Nasasabik na talaga akong umuwi. Sana naman ay August na. Kung kailan malapit ka ng umuwi ay para namang lalong bumabagal ang araw. Nakakainip tuloy. | "The Calling" dream at 8:37 AM on Thursday, June 16, 2005 April 21, 2005... Waaahh!!! Malapit na kong mawala sa kalendaryo. Tatlong taon na lang... | "The Calling" dream at 9:00 AM on Thursday, April 21, 2005 Hay naku... sobrang puyat ako kagabi. Nanood kasi ako ng Godfather from part 1 to part 3. Ang haba pa naman. Nagising ako mga 10 am na kasi tumatawag na pala ang misis ko at tama bang sabihing magchikka daw ako sa kanya dahil ang alam niya eh wala ako sa bahay at baka kung nasaan daw ako. Heto po ang chikka niya at reply ko... Steve oh ano? satisfied ka na. inaantok pa ko eh. gising ka ng gising. i love you so much mah. baka ikaw nanlalalake kaya ka kinakabahan ha. mwaah. Steve tulog muna ko ng konti. i love you so much. Mah (4/19/2005 9:57:27 AM) Satisfd?Hellu! E mukhng may tnwagan k lng n friend 2 send me a msg via chka gamit acct mo.2 lang mssbi ko sau,babalik sau whatevr u'r doing so beware.2log k n. Steve sino namang kaibigan ko ang tatawagan ko para gamitin ang acct ko eh lahat kaya kami may pasok no. ibang klase kang mag-isip ah. daig mo pa ang computer. hahaha. i love you. Mah (4/19/2005 10:00:00 AM) Nani2gurado lng ako.Cge 2log k n ulit.Sori s s2rbo.Mahal n mahal po kta.Mwah. Steve i love you too mah. tigilan mo sana ang pag-iisip ha. miss na miss ko na kayo. Mah (4/19/2005 12:02:09 PM) Asan k n? Hay naku! Cge lng tamarin kng magparamdm sakn..Gus2 mo wg n taung mgpakialamanan ng buhay eh.Bhala k n s buhy m kesa naglo2kohn tau. Steve nge. ok ka lang. natutulog pa ko no. buti nagising na ko. mamamalantsa na ko tapos magluluto at maliligo. ikaw talaga. i love you. hmmm... kainis ka na ah... kundi lang kita mahal eh... Ang hirap talagang malayo sa pamilya sa totoo lang. Makalimot ka lang magparamdam eh kung ano ano na ang iisiping tungkol sa iyo. Kunsabagay, ganyan lang talaga kapag mahal ka ng tao dahil ganyan din ako sa misis ko kapag naparanoid ako. Pero mas matindi siyang maparanoid sa akin. I love you so much mah. Huwag kang mag-alala no. Wala akong iba. Mahal na mahal ko kayo. | "The Calling" dream at 12:17 PM on Tuesday, April 19, 2005 I've made a vow, to no one but you I pledge my love to forever be true I'll take care of you and treat you right I'll lay beside you all through the night I'll feed you and clothe you and keep you warm I'll hug you and kiss you and give shelter in the storm I'll help you and guide you and clear a path I'll protect you and shield you from an angry man's wrath I'll listen to your problems help you solve them too I'll make you a rainbow and let the sun shine through I'll take your side even if you're wrong Just to prove our love is strong I'll plant you flowers and make them grow They'll be a symbol of love that only we'll know I'll whisper your name when no one is near So low that only you can hear You'll feel my love even if we're apart You'll know that we are one in heart - Vesta Sikora - HAPPY WEDDING ANNIVERSARY MAH!!! I LOVE YOU SO MUCH... | "The Calling" dream at 6:58 AM on Tuesday, April 12, 2005 April... May... June... July... August 3... UUWI NA KO!!! Apat na buwan na lang... | "The Calling" dream at 8:21 AM on Sunday, April 03, 2005 Hay grabe!!! Andaming gawain sa trabaho. Antagal ko na ring hindi naupdate ang site ko. Mag-uupdate ka ng product expiry every saturday, every monday maintenance equipments schedule, nandiyan yung mag oorganize ka ng coffee seminar. Iba na talaga ang dedicated masyado sa work. Gagawa ka pa ng reports. Tapos magtatampo pa si misis kapag hindi ako nakapagparamdam saka sasabihing may iba ka na. Sorry mah, wala po akong iba. Busy lang po talaga sa work. Lalo na ngayon at maraming responsibilities na binibigay ang store manager namin sa akin. Pasensiya na po. Wala na ring nadadaan sa site ko dahil wala na rin akong huling update. Ang huling update ko pa is nung February. Well, salamat naman at natapos ang coffee seminar namin last March 24 and I can say that it is a very successful seminar coz my area manager and our learning specialist was impressed with me. Good thing hindi ako ninerbiyos habang nagsasalita ko sa harap ng maraming tao. Tagabukid was there together with our friends. Kaso nga lang yung isa kong kasama maski hindi kasama sa coffee seminar ay nakihalo at nakigulo, hayun tuloy at napagsabihan siya ng store manager namin. Akala mo kasi kung sino eh wala namang alam at nagmamarunong. Palibhasa kasi Pakistano. Siyempre iba pa rin ang pinoy di ba. I was been nominated as a Store Coffee Master last month so I really expect that I'm going to be more busy not unlike before but I hope I can still manage no matter how busy I am. Pagkatapos ng coffee seminar namin nagpunta kami ng Global Village nina Tagabukid and it's time for me to have fun after my work. We watch the singing contest and I was impressed the way the little girl sing the song and she won for a third place. Grabe, birit queen talaga siya para sa akin. Biruin mo ba namang mga binatilyo ang mga kalaban. Pagdating ng bahay, plakda agad ako sa sobrang pagod at puyat. Well, I would like to say thank's for the support and prayers from my family and I hope God will always be there for us. Salamat din sa mga kapamilya ko dito sa Dubai, si Tagabukid at ang pamilya ni Bulalakaw. Belated Happy Easter to all of you!!! | "The Calling" dream at 8:46 AM on Friday, April 01, 2005 Ilang araw ko ng laging tinatawagan para i-greet si misis ng "Happy Valentine". Tapos noong nagchat kami naalala namin yung unang araw ng February 14 namin. Nasa Jollibee kami noon. Pang umaga ako tapos siya naman midshift. Dahil mag bf at mag gf nga kami, magka-share na kami sa locker. Pagdating na pagdating niya sabi ko sa kanya, "Mah, buksan mo yung locker para sa iyo yun, Happy Valentine's Day. I love you so much". Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Pagbukas niya ng locker namin nandoon ang tatlong puting rosas at isang card at tuwang tuwa si misis. Dahil doon nagawa pa niyang ipagyabang sa kasamahan namin sa trabaho na nakatanggap siya ng rosas galing sa akin. Yung iba naman naming kasaamahan ay naiinggit dahil may mga mag-bf at mag-gf din doon kaso ni hindi man lang sila nakatanggap ng rosas galing sa mga bf nila. Nang dahil sa akin ako pa tuloy ang nasisi dahil bat daw ako na pang umaga eh nakabili kaagad ng rosas para maibigay kay misis samantalang ang mga bf nila pagkatapos pa ng trabaho saka sila nabilhan. Sabi ko naman, papaano kasi eh doon ako nagdadaan sa farmers market tuwing papasok ako eh ang aga ng mga taong nagbebenta ng mga rosas kaya nakabili ako ng maaga. Sa ngayon, gawin ko sanang makulay ang Valentine's Day naming dalawa kaso hindi naman puwede dahil malayo kami sa isa't isa kaya naisipan ko na lang mag-alay sa kanya ng bulaklak dito sa blog ko para ipadama sa kanya ang aking pagmamahal. Mahal na mahal ko kayo mah, pasensiya ka na kung wala kang natanggap na rosas ngayong araw na ito. Alam mo kung gaano kahalaga ang okasyon na ito para sa atin kaso wala tayong magagawa kundi ang magtiis. Salamat din sa pagmamahal ninyo ng mga anak natin. | "The Calling" dream at 2:14 AM on Monday, February 14, 2005 If asked why I love her I would say It's the sway in her hips, the thickness in her thighs. It's the lust in her lips, the love in her eyes. It's the softness of her skin, the silk in her hair. It's the twist in her walk; it's the sweetness in her talk. It's the way she loves me that makes me love her each day. That is what I would say. *** I owe you a date... | "The Calling" dream at 11:17 AM on Wednesday, February 09, 2005 | "The Calling" dream at 9:54 AM on Saturday, February 05, 2005 Love has two terms: He Who Loves and He Who is Loved. In love the two are reciprocal. I love and I am loved. Between me and the one I love there is bond. It is not my love; it is not her love; it is our love; the mysterious resultant of two affections, a bond that enchains, and an embrace wherein two hearts leap with but a single joy. | "The Calling" dream at 8:29 PM on Tuesday, February 01, 2005 I smiled the lovely woman beside me. She smiled back, her large round eyes singing. Hard as I tried, I couldn't recall gazing at a more ravishing sight in my life. And it wasn't just physical, mind you. It was her peaceful presence, her gentle nature, her bearing both feminine and strong at the same time. "Good day, isn't it?" I intoned, attempting to hide my nervousness. "Yes, though it's a teensy bit warm," her soft voice whispered. In truth, the day was hot and the air quite still. But I was oblivious to it, caught up in the vision of the angel before me, as though the very air I breathed was part of this apparition of loveliness. "Are you... uh, doing anything tonight?" The princess chuckled. "Why do you ask?" "Well, I was wondering if you'd like to spend it with me . Alone if possible." My voice trembled and my chest felt like it wanted to explode. "Aren't you going too fast?" Her naughty grin gave me confidence, so I shook my head. "Nope. In fact, I think the timing is more than perfect." She squinted. "We'll see. If you do the right things and say the right words..." Suddenly, the judge -- who was infront of us -- announced, "Dearly beloved, this is the wedding of the century!" At once, our parents cheered behind us. His excellency asked us number of questions. I recall answering, "Yes, I do," to each of them. He told me to put a ring on her finger, and i followed the instructions to the letter. I guess I did the right things and said the right words at that day, because my bride obliged my request. We did spend the rest of the day together. And the next 365 days thereafter. Yes, it's been a month since, and I've learned some truths about being a lover. One is that all apparitions of loveliness, no matter how lovely, will not last. After awhile, every enchanting princess becomes a broom-riding witch. (And I, the gorgeous prince in her eyes, turns into an insect-munching, slimy-skinned, foul-smelling toad.) This happens to everybody. No exceptions. But there's the second truth I've learned: That this too isn't a parmanent condition. That if I keep on doing the right things and saying the right words each day -- I can bring back our romance to life again. If I continue to say "Yes" to God's questions of love, and follow his instructions to the letter... the apparition of loveliness in my heart returns. No doubt about it. With a kiss, the frog becomes a prince again -- and the witch a lovely princess once more. Yes, it is magic, but magic that you work very hard for. To my forever bride, thank you for a magical years. The many times we laughed. The many times we cried. Even the many times we fought -- and ended up in each others' arms before the end of each day. Yes, you are the most beautiful gift God has ever given me. Next to God, you will always be the greatest thing that ever happened to me. | "The Calling" dream at 10:19 AM on Wednesday, January 26, 2005 Lahat ng tao ay halos nagdiriwang ng kanilang anibersaryo. Meron diyan nagdiriwang ng kanilang anibersaryo tuwing buwan at meron din diyan kada taon. Sa maniwala kayo't sa hindi buwan buwan at taon taon ay hindi namin nakakalimutang magbatian ng aking kabiyak. January 18, noong naging kami ni misis at magmula noon ay halos hindi namin matiis ang hindi magkita sa isang araw. Naaalala pa nga namin ang mga masasayang gimik namin noong maging mag GF at mag BF palang kami. Lalo na kapag natapos ang duty namin sa jollibee, ay deretso na kami ng Sankin Garden sa may UP para manood ng banda. September 1, 1997 noong magbunga ang aming pagmamahalan. Isang matalino, guwapo at makulit na bata ang lumabas at para sabihin ko sa inyo ay unang apo sa side ko at sa side ni misis. Kaya naman medyo spoiled ang bata. August 29, 2000 noong masundan siya ng isang anghelita. Maganda, malambing at antipatikang babae. Halos kasingganda rin ng aking misis. Makulit din at matalino. Na halos ikamatay namin ni misis noong muntikan na siyang kunin ng Panginoon dahil sa sakit na bronchopneumonia. Sa awa ng Diyos, dininig ng Panginoon ang aming panalangin na huwag siyang kunin. January 18, 2005, 9 years na kaming magkasama ng aking kabiyak sa hirap man at sa ginhawa. Na kahit kailan ay hindi ako iniwan ng aking pinakamamahal kahit na ano mang pagsubok na dumating sa amin ay hindi natinag ang aming pagsasamahan. Mahal na mahal namin ang isa't isa at sana nawa'y pagtibayin lalo ng Panginoon ang aming pagsasama lalo na ngayon at magkalayo kami sa isa't isa. Sa aking pinakamamahal, sana ay nagustuhan mo ang ipinadala kong regalo sa iyo. Mahal na mahal kita at sana magtagal at lalong tumibay ang ating pagmamahalan. *** Happy 9th Year Anniversary I Miss You So Much | "The Calling" dream at 8:18 AM on Tuesday, January 18, 2005 I have a confession to make. I'm having an affair. I'm involved with a young woman. It became a sexual affair. She became pregnant. She gave birth to our love child. It began innocently enough a few years ago. Today, this love affair is a hot, frothy, steamy, sticky relationship. I'ts now a heart-pounding, mind blowing, blood-rushing, hormone-explosive affair. By the way, I forget to tell you, I did something after the affair began. I married her. Yes, I'm having an affair with my wife. I bring her to the most romantic spots on planet earth. Each week, we still have dinner dates I write silly love notes to her. I whisper sweet nothings in her ear. And when I think no one's looking, I still steal kisses from her when we we're walking in a mall. (And she still slaps me afterwards.) You see, I believe in one very important truth: I HAVE THE POWER TO CREATE LOVE. I don't complain, "Love has gone out of our marriage." People talk about love like it was some kind of fickleminded, neurotic bird that flies in and out of their life, over which they have no control. This is obvious in their vocabulary: "I've fallen in love." "I've fallen out of love." Fallen? What's that? You tripped? Got pushed? Was hit over the head? That means only one thing: You're a helpless VICTIM of our circumstances. Gosh. Let me tell you, I'm completely allergic to the word "victim". Because I'm not a victim of my circumstances, but I have total control over my response towards them! Listen. I don't wake up every morning "feeling" great love for my wife. Nor does she wake up every single day thinking that I'm such a cute, great, handsome, Tom Cruise look-alike. But I've decided to create love in our marriage no matter what. So I advice married people out there: Have an affair with your husband. Have an affair with your wife. You have the power to create love. | "The Calling" dream at 1:56 PM on Sunday, January 16, 2005 |